Gospel Community: The Message of 1 Corinthians

Pauline Epistles  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 41 views
Notes
Transcript
Sermon Tone Analysis
A
D
F
J
S
Emotion
A
C
T
Language
O
C
E
A
E
Social
View more →

Introduction (1:1-9)

Meron tayong ongoing membership classes. Siyempre, karaniwan magaganda ang maririnig ng mga participants tungkol sa church natin. Tapos may nakausap pa ako na member ng ibang church na kinukumbinsi ko na lumipat ng church kasi hindi maayos ang doctrines and practices dun. Pero siyempre, ayoko naman na magbigay ng impression na lahat ng nangyayari sa church natin ay maganda. We are far from perfect. May mga messiness din sa church na ‘to. Tanungin n’yo ang experiences ng mga matagal nang mga members. Pero bakit tayo nananatili dito? Because of the gospel. We see and experience the power of the gospel at work sa church natin.
Kaya kahit anong church ay makakarelate talaga dito sa sulat ni Paul sa 1 Corinthians. We already spent 34 weeks sa letter na ‘to, pero ngayon magbibigay lang ako ng overview ng message dito ni Paul kung paanong ang gospel ay bumubuo at humuhubog sa church bilang isang community. Nakasulat sa Acts 18 na si Paul ang nagplant ng church dito. Nagspend siya ng 18 months sa Corinth. At pagkatapos naman ay three years sa Ephesus. At habang nasa Ephesus siya dun siya nakikipag-correspondence sa kanila. May nababalitaan siyang mga problema. Actually meron pa siyang naunang sulat bago ang 1 Corinthians (0 corinthians?), pero wala tayong kopya nito. So anu-anong problema? Merong problema sa relasyon nila, may divisions, may mga conflicts, may problema sa pagdidisiplina, sa sexual immorality, sa kawalang kaayusan sa mga worship gatherings nila, sa pagpractice ng mga spiritual gifts, meron pride, meron ding doctrinal misunderstandings. Sounds like many churches today, no?
So kung babasahin natin ‘to, magbibigay ito ng encouragement sa atin, sa church natin, na ang pagtanggap sa atin ng Diyos ay hindi nakadepende sa performance natin. Saan nakadepende? Kay Cristo at sa gospel niya. Kaya kung may ganito karaming mga problems sa church, ano ang solusyon? Not to try hard na mas maging maayos as if nakadepende sa atin ang solusyon, but to get rooted, to stay anchored in the gospel and our identity in Christ. Kaya mula sa simula hanggang dulo, ipapaalala sa kanila ni Paul ang gospel. “The word of the cross” (1:18) sa simula pa lang. Tapos pagdating sa chapter 15, “Now I would remind you…of the gospel I preached to you...” Mahalagang ipaalala over and over again, katulad ng sermon natin sa Romans, dahil ang kapangyarihan ng gospel ay hindi lang sa past aspect of our salvation (justification), kundi pati na rin sa kasalukuyan (sanctification, “by which you are being saved, v. 2, present tense ‘yan).
Kaya sa simula pa lang ng sulat niya (1:1-10), kahit na maraming problems sa church, nagpapasalamat pa rin si Paul sa Diyos para sa kanila. Tinawag pa silang “sanctified in Christ Jesus…called to be saints” (v. 2, also 6:11). Ganyan rin ang status natin na katulad nila ay tumatawag sa Panginoon not because we are worthy, kundi dahil kailangan natin siya. Kaya ang sulat na ito ay para rin sa atin.
Isa-isahin natin ngayon ang limang major sections ng sulat na ‘to na tumatalakay sa iba’t ibang issues at problems sa church at tingnan natin kung paanong ang gospel ang solusyon sa mga katulad na problema rin sa church natin, and in fact, kahit ano pang problema ‘yan.

Unity: How the Gospel Heals Divisions in the Church (1:10-4:21)

Ang unang problema ay may kinalaman sa kawalan nila ng pagkakaisa. Meron kasing mga divisions, mga pag-aaway na nabalitaan si Paul (1:11). Merong mas loyal kay Paul, yung iba kay Apollos, yung iba kay Pedro, yung iba kay Cristo (v. 12). How does it manifest sa church natin? Baka minsan tingin ng iba na ako lang o si Ptr. Marlon ang pastor ninyo at yung ibang mga elders ay hindi. Or meron lang kayo na grupo na mas gustong samahan at sa iba ay ayaw n’yong makisama. Ano ang sabi ni Paul na dapat gawin? Heto ang appeal niya: magkasundo kayo, magkaisa kayo, magkaroon ng isang pag-iisip at isang layunin (v. 10). Paano mangyayari yun? Madali ba yun lalo na kung meron tayong iba’t ibang preferences, personality, backgrounds, opinions?
Humanly impossible. Ang susi? Si Cristo. Kaya ang apela ni Pablo sa kanila ay “by the name of our Lord Jesus Christ” (v. 10). Then sa v. 13 sinabi niya na hindi hati si Cristo, hindi si Pablo ang pinako sa krus, hindi sa pangalan ni Pablo sila nabautismuhan. We have one Lord, one gospel, one baptism (Eph. 4:4-6). Yan ang basis ng unity natin. The gospel is powerful hindi lang para iligtas tayo kundi para pagkaisahin ang church. Tulad ng napag-aralan natin sa Romans, ganito rin dito, consistent si Pablo: “The word of the cross (or the gospel)…is the power of God” (1 Cor. 1:18; see Rom. 1:16). Si Cristo ang laman ng gospel na ‘yan: “we preach Christ crucified...Christ the power of God and the wisdom of God” (1:23-24). Bakit nga naman natin ipagmamalaki ang sarili natin o ibang tao, e pinili naman tayong iligtas ng Diyos not because of us but because of Christ, “who became to us wisdom from God, righteousness and sanctification and redemption” (1:30). Hindi tao ang pinakamahalaga kay Paul at sa preaching niya, “For I decided to know nothing among you except Jesus Christ and him crucified” (2:2).
So kung gospel ang sentro ng preaching ni Paul, dapat ito rin ang sentro ng pakikinggan natin. Hindi ito maiintindihan ng mga non-believers (the natural person, 2:14). Pero maiintindihan natin through the Holy Spirit (2:10). “We have the mind of Christ” (v. 16). At kung si Cristo ang nasa isip mo, at ang isip mo ay tulad ni Cristo, ano ang puwang ng pagkakahati-hati sa church? Pero para tayong mga unbelievers na wala ang Holy Spirit kung nagkakampi-kampihan pa rin (3:4). Pero dapat baguhin natin ang pagtingin sa mga leaders ng church, sa ministry, at sa church. Sabi ni Paul, “For we are God’s fellow workers. You are God’s field, God’s building” (3:9) God, God, God. Kung hindi sa Diyos nakafocus, kung sa tao ang focus, talagang magkakaproblema ang church. Wala tayong ibang pundasyon maliban kay Cristo (v. 11). Yung identity natin ay nakatali sa gospel, “God’s temple” ang church (v. 16). Kung sa Diyos ‘yan, hindi dapat sirain sa pamamagitan ng paghahati-hati.
Ano raw ang ugat nitong mga divisions na ‘to? Pride in men and human accomplishments. The gospel strikes our pride. Ang layunin ng gospel ay ito— “so that no human being might boast in the presence of God” (1:29). Then sa v. 31, quoting Jer. 9:23-24, “Let the one who boasts, boast in the Lord.” Pati dito sa chapter 3, sinabi ni Paul na wala dapat yabangan, wala ring inggitian, walang “sana all, sana all.” Bakit? E sa ‘yo na nga ang lahat! “...ang lahat (all things) ay para sa inyo: si Pablo, si Apolos, at si Pedro, ang sanlibutang ito, ang buhay, ang kamatayan, ang kasalukuyan, at ang hinaharap; lahat (all) ng itoy para sa inyo” (3:21-22).
Ganyan ang approach ni Paul sa ministry. Hindi nakasentro sa kanya. Siya, at ang iba pang leaders ng church ay hindi magkakakumpetensiya, dapat tingnan natin na “servants of Christ and stewards of the mysteries of God” (4:1). Papuri at parangal mula sa Diyos ang mahalaga, hindi sa tao (v. 5). Oo, instrumental si Paul sa kanila, na parang naging ama nila na naglapit kay Cristo, pero nangyari pa rin yun “through the gospel” (v. 15). Hindi siya arogante na tulad ng iba (vv. 18-19).

Purity: How the Gospel Helps Us Pursue Holiness as a Church (5:1-7:40)

Hindi tulad ng mga taga-Corinto, “And you are arrogant!” (5:2); “Your boasting is not good” (v. 6). Pride talaga ang root problem dito sa church. Nabalitaan kasi ni Paul na merong sexual immorality na hindi nila dinidisiplina, masahol pa raw sila sa mga unbelievers sa Corinth na kilala na sa sexual promiscuity dahil sa culture nila. Meron daw lalaki na ang kinakasama ay ang asawa ng tatay niya, or step-mother niya! So dito sa section na ‘to (chapters 5-7), tatalakayin niya ang tungkol sa purity o pursuit of holiness sa church.
Ano raw ang dapat nilang gawin dun sa member na nagkakasala? Hindi dapat i-tolerate. Hindi ibig sabihin ng gospel at pagiging centered sa gospel ay okay na ang kasalanan. Pinatawad na, yes, pero binabago tayo ng Panginoon in repentance, faith and obedience. Tanggalin daw sa church, “itiwalag” (MBB), i-excommunicate (5:2). Bakit? Merong authority ang church, galing sa Panginoon, hindi lang para tumanggap ng miyembro nito, kundi pati magtiwalag sa mga unrepentant: “in the name of the Lord Jesus…with the power of our Lord Jesus” (v. 4).
Sasabihin ng iba, ang lupit naman ata nun, parang hindi consistent sa gospel of grace. Pero, gospel pa rin ang motivation sa pagdidisiplina. “For Christ, our Passover lamb, has been sacrified” (v. 7). Bakit natin dinidisiplina rin ang sarili natin in our pursuit of holiness? Kasi hindi na tayo kabilang sa mundong ito, hindi yung lifestyle nila ang sinusunod natin. E ano kung uso sa kanila ang porn o premarital sex? Gagayahin mo na? Ang katawan natin ay para sa Panginoon, at hindi killjoy ang Panginoon. “The body is not meant for sexual immorality, but for the Lord, and the Lord for the body” (v. 13). When you forget the gospel, your forget your true identity, and you forget your life’s purpose. “Or do you not know that your body is a temple of the Holy Spirit within you, whom you have from God? You are not your own, for you were bought with a price. So glorify God in your body” (6:19-20). Paano mapararangalan ang Diyos? So, “flee from sexual immorality” (v. 18). Nilalayuan mo ba ang ayaw ng Diyos? O ikaw pa ang lumalapit?
Pag sinabing purity, hindi lang ito sexual purity, but also sa pagsasaayos ng mga nasirang relasyon o conflicts. How can you see the gospel at work kung magkakapatid nag-aaaway-away, nagdedemandahan tulad dito sa Corinth (vv. 4-8). O hindi man nagdedemandahan sa church natin pero nagdededmahan naman. Ano ang solusyon? Alalahanin mo kung sino ka dati, hindi ka na yan ngayon. Alalahanin mo kung ano ang ginawa sa ‘yo ng Panginoon. Maliban na lang kung hindi ka talaga tunay na kay Cristo.
Hindi nʼyo ba alam na hindi magmamana ng kaharian ng Dios ang masasama? Huwag kayong palilinlang! Sapagkat kailanmaʼy hindi magmamana ng kaharian ng Dios ang mga imoral, sumasamba sa dios-diosan, nangangalunya, nakikipagrelasyon sa kapwa lalaki o babae, magnanakaw, sakim, lasenggo, mapanlait, at mandarambong. At ganyan nga ang ilan sa inyo noon. Ngunit nilinis na kayo sa inyong mga kasalanan at ibinukod na kayo ng Dios para maging kanya; itinuring na kayong matuwid dahil sa Panginoong Jesu-Cristo at sa Espiritu ng ating Dios. (6:9-11 ASD)
Gospel pa rin talaga ang solusyon. Yung iba, nakarating pa kay Paul yung sulat nila, na “good” daw kung wala na lang sexual relations sa isang babae (7:1). Good daw maging single. Totoo naman. Pero maraming sexual temptations! Kaya advise din ni Paul na, oo sige tularan siya sa pagiging single (v. 7), pero iba-iba ang gifts na bigay ng Diyos sa bawat isa. Sa iba singleness, sa iba marriage, hindi pwedeng “sana all” pagdating sa relationships! Akala naman ng iba marriage ang solution sa sexual struggles. Akala ko rin dati ganun. Hindi pala! May temptations pa rin. “Self-control” ang problema (vv. 5, 9), hindi marital status.
Kaya paalala ni Paul, hindi nakatali ang identity natin sa pagiging single o married, kung ikaw ba ang master o may master ka, kasi kung doon nakasalalay, you’ll be frustrated kung hindi maiiba ang sitwasyon mo. Paano kung single ka for life? Paano kung hirap ka na sa marriage relationship n’yo at gusto mo na ulit maging single? Remember your gospel identity. “You were bought with a price” (v. 23). Kay Cristo ka. Si Cristo ay nasayo. Yun ang pinakamahalaga sa lahat. Kung single ka, at si Cristo ang lahat-lahat sa ‘yo, pagtutuunan mo ng pansin “how to please the Lord” (v. 32), yung pagkakaroon ng “undivided devotion to the Lord” (v. 35). So what is better, being single or being married? Being in Christ, married or not, yun ang pinakamahalagang relationship status natin. Kung alam mo ‘yan, bakit ka mag-aasawa (o magboboyfriend) ng isang tao na wala kay Cristo? Kung ikaw ay “in Christ,” ang pag-aasawa ay dapat rin na “only in the Lord” (v. 39).

Fleeing Idolatry: How the Gospel Helps Us Deny Ourselves to Serve Others in the Church (8:1-11:1)

Wag nating iisiping ang issue ng purity ay may kinalaman lang sa paglayo sa sexual immorality. Mas malalim ang gustong talakayin ngayon ni Paul. Yung paglayo sa idolatry. Worship issue kasi yung tungkol sa pagkain nila ng mga pagkaing “offered to idols” (8:1). Tinanong nila si Paul about this. Kasi sa Corinth, may mga karne na hinandog sa mga gods nila na ibinebenta palengke. Yung iba sasabihin na wag bilin yun, kasi para na rin daw nagparticipate sa idolatry pag ganun. Yung iba naman okay lang daw. Ano ba talaga?
Again, this is not a food issue, but a worship issue. Wala naman talagang ibang diyos, “there is no God but one” (8:4)—“yet for us there is one God, the Father, from whom are all things and for whom we exist, and one Lord, Jesus Christ, through whom are all things and through whom we exist” (v. 6) Kaya lang…meron tayong mga kapatid na mahina pa ang pananampalataya dahil galing sila sa ganitong religious background. Dapat isipin natin sila. Baka maging stumbling block yun sa kanila (v. 9). Halimbawa sa panahon natin, sa pagkain sa fiesta, sa pagpasok sa simbahan ng Katoliko kung may binyag o kasal, o pag-inom ng alak. Sa iba no big deal. Sa ‘yo siguro okay lang, pero paano sa kapatid mo? “Dahil sa iyong ‘kaalaman,’ napapahamak ang iyong kapatid na mahina pa sa pananampalataya, na kung tutuusin ay namatay din si Cristo para sa kanya” (v. 11 ASD). Gospel issue na naman. Namatay si Cristo hindi lang para sa ‘yo, kundi para sa kapatid mo kay Cristo. Handa ka bang isakripisyo yung mga bagay na para sa ‘yo ay wala namang masama alang-alang sa kapatid mo, para maalalayan sila sa pananampalataya nila?
Sa chapter 9, ginamit ni Paul ang sarili niya na halimbawa. Tularan natin siya, tulad ng pagtulad niya kay Cristo (11:1). May karapatan siyang gawin ang mga bagay para sa sarili niya—tulad ng pag-aasawa, o pagkakaroon ng support mula sa kanila. Pero hindi niya iginiit ang karapatan niya. Ngayon pa naman, ang mga tao sobra ang “expressive individualism”—karapatan ko ‘to, irespeto mo, kailangang gawin ko ‘to. Pero kay Pablo, at para sa ating mga Kristiyano, it is not about our rights. Gospel pa rin ang pinakamatimbang, kahit na sariling karapatan natin ay isakripisyo natin. Yun ang essence ng discipleship, self-denial, ayon sa turo ni Cristo. Na siyang tinularan naman ni Pablo, “Ngunit hindi namin ginamit ang karapatang ito. Tiniis namin ang lahat upang hindi kami maging hadlang sa Magandang Balita tungkol kay Cristo” (v. 12). Gospel motivation na naman. Di bale nang di makapag-asawa, di bale nang hindi umasenso sa buhay, basta ang mahalaga ay maipangaral si Cristo. Yun ang mahalaga. “Sapagkat iyan ay tungkuling iniatang sa akin, sumpain ako kung hindi ko ipangaral ang Magandang Balita” (v. 16 MBB)! Gagawin niya ang lahat ng dapat gawin, “I do it all for the sake of the gospel” (v. 23).
Then sa chapter 10, balik na naman siya sa issue ng idolatry, at ipinakita niya na konektado ang sexual immorality sa idolatry, at ginamit niyang example yung mga Israelita sa paglalakbay sa disyerto. Wag daw silang tularan sa idolatry nila (10:7). Wag ding tularan sa kanilang sexual immorality (v. 8). “Kaya, mga minamahal ko, lumayo kayo sa pagsamba sa diyus-diyosan” (v. 14 AB). Ano yung motivation? Siyempre merong warning, mapapahamak ka katulad ng mga Israelita na libu-libo ang namatay dahil sa kanilang idolatry, sexual immorality at pati sa pagrereklamo (vv. 8-11). Pero siyempre, alam nating ang mga babala ay hindi sapat para iwasan natin ang kasalanan. Tingnan mo na lang halimbawa yung “smoking is dangerous to your health,” pinapansin ba yun ng mga nagyoyosi?
We need the gospel at yung mga promises na nakakabit dito. Tapat ang Diyos. Siya ang magbibigay sa atin ng paraan para takasan ang tukso (v. 13). At ipinaalala sa kanila ni Pablo ang tungkol sa gospel reality na reflected sa Lord’s Supper. Hindi ba’t yung pakikibahagi natin sa Lord’s Supper ay “pakikibahagi sa dugo ni Cristo…at sa kanyang katawan” (v. 16)? Fellowship (koinonia), participation. Kung nakay Cristo tayo, bakit ka makikisalo sa gawa ng diyablo (v. 21)? Does it make sense? No. Mga kapatid, paano natin lalabanan ang idolatry? By the power of the gospel. Kaya mahalaga ang preaching. Kaya mahalaga ang baptism at Lord’s Supper. Yun kasi ang nagpapaalala sa atin ng madalas natin kinakalimutan.
Kung gospel ang pinakamahalaga sa atin, at lagi nating inaalala, at pinaniniwalaan nang mas malalim, hindi na sariling karapatan natin ang ipaggigiitan natin (self-idolatry yun!), kundi ang kapakanan ng kapatid natin (v. 24), at siyempre, higit sa lahat, ang karangalan ng Panginoon sa lahat ng gagawin natin kahit sa mga ordinaryong bagay tulad ng pagkain at pag-inom (v. 31). Yung issue sa pagkain, worship issue talaga, at tungkol din sa pagmamahal natin sa mga kasama natin sa church. Iniisip ba natin ang karangalan ng Diyos at kapakananan ng iba, o sarili lang natin?

Love: How the Gospel Shapes How We Gather and Do Ministry (11:2-14:40)

Sa simula ng sumunod na section (11:2-14:40) kung saan tinatalakay ni Pablo ang kahalagahan ng kaayusan sa sama-samang pagsamba ng Diyos, pinuri muna sila ni Pablo sa 11:2-16. Bakit? Sinusunod kasi nila yung magandang tradisyon na nakaugat sa din sa disenyo ng Diyos sa lalaki at babae, pantay sa kahalagahan, pero magkaiba in terms of order and authority. Sa relasyon ng mag-asawa, lalaki ang may authority sa babae. Connected pa rin yan kay Cristo (v. 3). At sa kultura nila, merong sumisimbolo sa pagrecognize ng authority na yun tulad ng mahabang buhok sa babae at pagsusuot ng belo. Pero siyempre iba naman sa kultura natin ngayon. Ang mahalaga ay yung theological implications nito. Ngayon kasi, maraming mga churches binabalewala ang pagkakaiba sa disenyo ng Diyos sa lalaki at babae. We believe and practice male leadership sa family at sa church, not because we are biased sa gender, kundi dahil sumusunod tayo sa pattern na nakaset sa Scripture lalo na sa pangangasiwa ng church. Wag nating guluhin ang order na Diyos mismo ang naglatag.
Sa kaayusan ng Lord’s Supper dun sila may problema. “I do not commend you,” sabi ni Pablo (v. 17). May divisions nga kasi (v. 18). Nag-uunahan. Hindi na Lord’s Supper, kainan na lang. Hindi na act of worship and fellowship. Kaya ni-remind sila ni Paul ng tungkol sa gospel. Na ang Lord’s Supper nga ay tungkol sa pag-alala sa ginawa ni Cristo para sa atin. Seryoso ‘to, kasi it’s about “the body and blood of the Lord” (v. 27). So mahalaga yung “discerning the body” (v. 29). Ano yun? E di yung church! The body of Christ. Kung hindi mo pinapahalagahan ang Lord’s Supper, hindi mo pinapahalagahan ang church, at hindi mo pinapahalagahan si Cristo.
Yung chapters 12-14 naman ay tungkol sa spiritual gifts. Pride issue na naman ‘yan. Pataasan kung anong spiritual gift ang mas superior. Tulad ng speaking in tongues at mga miraculous gifts. Tingin ng iba, mas superior ito kaysa sa mga mas ordinaryo na mga spiritual gifts. So ang paalala ni Paul ay tungkol pa rin sa pagiging one body of Christ (12:12-13). Wala dapat pagkakahati-hati kasi nga isang katawan lang (vv. 24-26). Sa spiritual gifts, sa ministry, hindi rin pwede ang “sana all.” Kasi hindi “all” ay apostles o prophets o teachers o may gifts of healing or speaking in tongues or interpreting (vv. 27-30). So ano ang pinakamahalaga sa mga ‘yan? Not spiritual gifts, but how we use our gifts. May pag-ibig ba? Yun ang point ng chapter 13. Hindi yan pangkasalan, o panglove letter sa nililigawan. Para ‘yan sa kaayusan sa church. At yung definition ng love diyan (vv. 4-6) aay nagtuturo sa atin hindi sa sarili nating pag-ibig, kundi sa pag-ibig na matatagpuan natin kay Cristo.
Sa chapter 14, binalikan niya yung pagkakaroon ng kaayusan sa mga gatherings ng church. Malaking problema sa kanila yung speaking in tongues. Sa atin ngayon, ang usapan, meron pa bang ganyan ngayon o wala na. We believe na wala na, pero yung iba naniniwala na meron pa. Ang problema, kung meron pa, bakit wala namang nag-iinterpret, e hindi rin nila sinusunod ang sinasabi ni Paul dito sa chapter 14. “God is not a God of confusion but of peace” (v. 33). Kaya para kay Paul, ang priority ay nasa spoken word, yung prophecy, o sa atin ngayon ay preaching of the Word of God, kasi malinaw, naiintindihan. At dapat hindi babae ang preachers sa worship gathering ng church (v. 34). “All things should be done decently and in order” (v. 40). Kaya maraming mga churches ngayon kung magdecide kung ano ang gagawin sa worship gathering, hindi na nakaayon sa salita ng Diyos. Kaya kailangang hayaan natin na gospel ang huhubog at magdidikta kung paano tayo sasamba at maglilingkod sa Diyos as a church. It is not a matter of preference, o cultural accomodation, but obedience.

Theology: How the Resurrection is Essential to the Gospel and Our Ministry as a Church (15:1-58)

Dapat maayos ang pamamalakad at pangangasiwa sa church. Pati siyempre doktrina kailangan maayos din, dapat naka-inline sa gospel. Kaya dito sa chapter 15 ay tinalakay ni Pablo yung sinasabi kasi ng iba na walang “resurrection of the dead” (v. 12). Tayo pa naman ngayon, karaniwan sa mga Christians ang naiisip lang na final destiny natin ay yung kaluluwa natin na pupunta sa langit pagkatapos nating mamatay. E paano yung katawan natin? Kaya nilinaw ni Paul na hindi pwedeng walang resurrection of our bodies, dahil ang patunay nito ay yung resurrection ni Christ. Kasali sa gospel ang resurrection, hindi lang yung death ni Christ (vv. 3-4). Kung hindi muling nabuhay si Cristo, wala ring resurrection of the dead, walang kuwenta ang preaching, walang kuwenta ang pananampalataya natin, at wala tayong pag-asa nang higit pa sa buhay natin ngayon, at tayo na ang pinakakawawang mga tao sa buong mundo (vv. 14-19).
But of course, may kuwenta ang lahat dahil totoong nabuhay na muli si Cristo: “But in fact, Christ has been raised from the dead” (v. 20). Diyan nakatali ang pag-asa natin. Hindi natin lubos maisip kung ano ang itsura, anong klaseng experience yung resurrected body natin, but definitely, it will be something much much better kesa sa anumang meron tayo ngayon. “We shall bear the image of the man of heaven (Christ!)” (v. 49). Wala nang kamandag ang kamatayan, wala nang kasalanan, salamat sa tagumpay ni Cristo sa krus at sa kanyang muling pagkabuhay (v. 57). Ano naman ang kinalaman nito sa ministry natin sa loob ng church? Ibig sabihin, anumang pagod, anumang sakripisyo, anumang pawis, anumang hirap ng kalooban, anumang mga frustrations o disappointments mapagtitiisan natin para makapagpatuloy tayo dahil sa pag-asa na meron tayo sa muling pagkabuhay. “Therefore, my beloved brothers, be steadfast, immovable, always abounding in the work of the Lord, knowing that in the Lord your labor is not in vain” (15:58).

Conclusion (16:1-24)

Of course, yung chapter 16 (hindi na natin tatalakayin in detail) ay nagpapakita na itong letter ni Paul sa Corinthian church ay very personal, magkakakilala sila nang personal, ina-address niya yung mga specific issues sa church. Tungkol sa nauna niyang sulat, tungkol sa sulat nila sa kanila, tungkol sa report na nakarating sa kanya. Hindi man parehong-pareho ang mga issues na dini-deal natin ngayon, pero nakikita natin na tulad nila, may messiness rin sa church natin ngayon. At kung bago ka pa lang, baka hindi pa obvious sa ‘yo yung mga messiness na yun. Pero eventually, o baka ngayon nangyayari na, magkakaroon ng mga relational issues, mga conflicts, mga divisions, lalabas yung bunga ng pride sa heart natin, pati mga doctrinal issues baka maging controversial din.
Pero anuman ang mangyari, wala sa anumang mga ito ang sapat na dahilan para sabihin nating, “Ayoko na sa church na ito. Lilipat na lang ako. Buti pa sa ibang church.” Anuman ang maging sitwasyon, maging better man, o maging malala yung kalagayan natin ngayon, paanyaya ito sa atin na alalahanin palagi ang mabuting balita ni Cristo at tulong-tulong tayo sa church na ibaling ang paningin natin kay Cristo. Dahil kung si Cristo ang pundasyon ng iglesyang ito, dun lang natin mararanasan ang pagkakaisa, paglago sa kabanalan, kaseryosohan at kaayusan sa pagsamba, at tunay na pag-asa sa buhay.
Related Media
See more
Related Sermons
See more