Gospel Power: The Message of Romans

Pauline Epistles  •  Sermon  •  Submitted
0 ratings
· 61 views
Notes
Transcript

Introduction

Last Sunday during our Family Night, may kausap ako na isang new member ng church at isang magpapamember pa lang. Sabi ko, higit sa lahat, gusto ko na makilala ang church natin bilang isang “gospel-centered church.” Yun bang magkaroon ng conviction ang bawat isa na ang gospel—the good news of salvation about Jesus—ay hindi lang para sa mga unbelievers, kundi para sa rin sa bawat isa sa atin. I hope mas mabibigyan ng emphasis ‘yan sa bagong sermon series natin na overview ng 13 letters ni apostol Pablo (so 13 sermons, one per letter). Makikita kasi natin sa mga sulat niya na saturated ito ng gospel, pati yung mga exhortations sa Christian life, naka-anchor pa rin sa gospel. So I entitled this series “The Gospel for Life.” Ang gospel kasi ay “for all of life.” Isa rin sa purpose ng ganitong series ng mga overview sermons ay para maka-assist sa pagbabasa n’yo ng Bibliya. Mas magiging tama kasi ang pagbabasa natin kung naka-ayon sa konteksto ng bawat sulat. At sanay tayo na “man-centered” ang lens ng pagbabasa natin. So, I hope and pray na mai-demonstrate ko sa inyo kung paano ang God-centered at gospel-centered na dapat na strategy natin sa pagbabasa ng kahit anong talata sa Bibliya.
Ang mga sulat ni Pablo ay iba sa Gospels (Matthew to John) at Acts. Narratives yun, mga kuwento tungkol kay Jesus at sa gawa ng Espiritu sa early church. Dito sa mga letters ni Paul may pagpapaliwanag kung ano yung gospel na yun at ano ang application nito sa iba’t ibang aspeto ng Christian life at church ministry.
Simulan natin ngayon sa sulat ni Pablo sa Romans. Hindi ito ang unang isinulat niya, pero ito ang una sa listahan sa Bible natin. Itinuturing ito ng marami na pinaka-systematic na treatment ng theology ni Paul, kaya maraming mga Christians ang paborito itong sulat na ‘to. Kasali diyan sina Augustine, John Calvin at Martin Luther. Sabi niya sa intro niya sa Romans noong 1552: “This Epistle is really the chief part of the New Testament and the very purest Gospel, and is worthy not only that every Christian should know it word for word, by heart, but occupy himself with it every day, as the daily bread of the soul. It can never be read or pondered too much, and the more it is dealt with the more precious it becomes, and the better it tastes.” Si Martyn Lloyd-Jones nagpreach ng 366 sermons sa Romans mula 1955 hanggang 1968. Si John Piper, 225 sermons mula 1998 hanggang 2006. Ganyan kayaman ang sulat na ‘to. Pag-aaralan din natin ‘yan, Lord willing, sa mga susunod na taon. Pero ngayon one sermon lang muna!
Bagamat extensive ang theological explanations dito tungkol sa gospel, hindi naman ito basta isang theological treatise lang. Higit pa dun, meron siyang pastoral purpose bakit niya ito isinulat. Hindi pa kasi siya napupunta sa Rome. Hindi siya ang nagsimula ng church doon. Hindi rin si Peter! Probably, nagstart ang church dito nang bumalik yung mga taga-Rome (merong Jews at Gentiles) naconvert noong Pentecost (Acts 2:10-11). So, si Pablo ay nagsulat nito noong siya’y nasa Corinth. Ang prayer niya, Lord willing, ay makadaan siya sa Rome (Rom. 1:10-13; 15:22-29). Pero kung hindi man, at least ay may pagkakataon siya na makapagbigay sa kanila ng longer exposition ng gospel sa pamamagitan ng sulat na ‘to. Hindi naman kasi normal kahit sa panahon nila na ganito kahaba ang isang sulat! “Nasasabik” siyang “ipangaral ang ebanghelyo” sa kanila (1:15). Para sa kanila. Dahil magkahalo na Jews at Gentiles ang membership ng church, so mahalaga yung gospel na yun for the unity of the body of Christ, paano sila magkakaroon ng harmony sa relationship nila. Mahalaga rin yun para ma-motivate sila na suportahan ang misyon ni Pablo in preaching the gospel to the nations. Or maybe also in dealing with the pride and arrogance na nasa heart nila. Anuman yun, kumbinsido si Pablo na yung gospel ay powerful.

The Gospel is the Power of God for Salvation (Rom. 1:1-17)

Yung pagpapakilala nga niya nakakabit sa gospel, “called to be an apostle, set apart for the gospel of God” (1:1). Ang mensahe niya ay tungkol sa Diyos, galing sa Diyos. More specifically, tungkol kay Cristo: “in the gospel of his Son” (1:9). At para kanino ang gospel na ‘to? For unbelievers? Yes. For us believers? Yes also! Kaya nga nasasabik siya na i-preach ang gospel sa kanila na mga believers na (1:15). Why? Paliwanag niya, “For I am not ashamed of the gospel, for it is the power of God for salvation to everyone who believes, to the Jew first and also to the Greek” (1:16). Power of God. Itong salitang ito (dunamis) ay ginamit din sa verse 4, tumutukoy sa kapangyarihan na bumuhay kay Cristo mula sa mga patay. Kung ‘yan ay “power of God” imagine kung anong klaseng kapangyarihan ang nasa gospel! If you are underestimating the gospel, you are underestimating God.
Paano naging power of God ang gospel? Paliwanag ni Paul sa verse 17, “For in it the righteousness of God is revealed...” Ano yung “righteousness of God”? Hindi ito yung attribute ng Diyos na righteous siya. Totoo yun, pero hindi ito ang kahulugan nung sinasabi ni Paul. Hindi rin ito yung faithfulness ni God sa fulfillment ng mga covenant promises niya. Totoo namang faithful siya, pero hindi ito yung tinutukoy ni Paul. Ang key word dito ay yung “revealed” (ipinapakita o nahahayag), at yung context ng buong book of Romans. So yung righteousness of God ay tumutukoy sa pamamaraan ng Diyos para maging righteous sa harapan niya ang mga unrighteous. Kaya ang salin ng MBB, “Sapagkat sa Magandang Balita ay ipinapakita kung paano itinutuwid ng Diyos ang kaugnayan ng tao sa kanya” o sa ASD, “Sapagkat ipinapahayag sa Magandang Balita kung paano itinuturing ng Dios na matuwid ang tao.”

Why We Need the Gospel? Our Lack of Righteousness (Rom. 1:18-3:20)

Ibig sabihin may problema tayo, napakalaking problema kung bakit kailangan natin itong resurrecting o righteousness-giving power of the gospel. Bakit kailangan natin itong gospel na ‘to? Kasi wala tayo nung “righteousness of God” na yun na kailangan natin. We don’t have power in ourselves to save us from the wrath of God. Bago maihayag ang paraan kung paano tayo magiging matuwid sa harap ng Diyos, dapat makita muna natin kung paanong naihayag ang galit at poot ng Diyos sa ating mga makasalanan. “For the wrath of God is revealed from heaven against all ungodliness and unrighteousness of men, who by their unrighteousness suppress the truth” (1:18).
Inuna muna niya dito yung mga Hentil (1:18-31). Oo nga’t wala silang “Kasulatan” tulad ng mga Judio, pero nagpapakilala rin ang Diyos sa kanila sa pamamagitan ng mga nilikha niya. “Kaya’t wala na silang maidadahilan pa” sa mga kasalanan nila (1:20). Hindi nila pinarangalan ang Diyos (1:21). Dahil doon, sila ay mga “hangal” (1:22). Ipinagpalit nila ang Diyos sa mga bagay na nilikha niya—idolatry ‘yan (1:23, 25). Hindi lang homosexuality ang kasali dito (1:26-27).
Naging alipin sila ng lahat ng uri ng kasamaan, kalikuan, kasakiman at masasamang hangarin. Silaʼy mainggitin, mamamatay-tao, mapanggulo, mandaraya, at laging nag-iisip ng masama sa kanilang kapwa. Silaʼy mga tsismosoʼt tsismosa at mapanirang-puri. Napopoot sila sa Dios, mga walang galang at mapagmataas. Naghahanap sila ng magagawang masama, at suwail sa mga magulang nila. Silaʼy mga hangal, mga traydor, at walang awa. (1:29-31 ASD)
Kasali tayong lahat diyan. O baka naman sasabihin mo, ah hindi yung ibang tao lang ang ganyan, kung ikukumpara naman sa iba di hamak na mas matuwid ako kesa sa kanila. E katulad mo rin yung mindset ng mga Judio na siyang kasunod na sasabihan ni Pablo (2:1-3:8). Wala rin silang “excuse” (3:1). Akala nila sila ang righteous, at ang mga Gentiles ang unrighteous. Oo, may advantage sila. Nasa kanila ang “kautusan” at ang “tipan” ng Diyos (3:1-2). Pero unrighteous din sila. Nasa kanila nga ang kautusan pero nilalapastangan din nila ang Diyos sa paglabag nila dito (2:23). They will not “escape the judgment of God” (2:3). Meron din silang “hard and impenitent heart” kaya poot din ng Diyos ang naghihintay sa kanila (2:5). Akala nila meron silang righteousness at eternal life, pero dahil hindi nila sinusunod ang katotohanan, at kasamaan rin ang sinusunod nila, “there will be wrath and fury” (2:8). Matuwid ang paghatol ng Diyos, Judio man o Hentil. Ang mga Judio ay hahatulan ng Diyos dahil sa paglabag sa kautusan na tinanggap nila mula sa Diyos. Ang mga Hentil din naman, bagamat hindi tumanggap ng kautusan ng Diyos, ay hahatulan ayon sa kautusan na nakasulat sa mga puso nila (2:11-15). Walang maidadahilan ang sinuman, walang excuse: “Ayon sa Magandang Balitang aking ipinapangaral, gayon ang mangyayari sa Araw na ang mga lihim ng mga tao’y hahatulan ng Diyos sa pamamagitan ni Cristo Jesus” (2:16). The gospel is also the power of God for judgment.
Judio man o Hentil, lahat ng tao ay makasalanan (3:9-20). All are “under sin” (3:9). None is righteous. No one seeks for God. No one does good, not even one (3:10-12). Lahat ay makasalanan mula ulo hanggang paa. Ano ang solusyon? Pagbutihin? Try harder? Be a better person? We are guilty before God. Paano ka magiging “not guilty”? Paano ka magiging “righteous” sa harapan ng Diyos? Not by works of the law: “Sapagkat walang sinuman ang ituturing ng Dios na matuwid sa pamamagitan ng pagsunod sa Kautusan. Sa halip, ipinapakita ng Kautusan sa tao na makasalanan siya” (3:20). So, nasaan ang solusyon? Nasa gospel (1:16-17). Nasa gospel ang paraan ng Diyos para maituring tayo na matuwid sa harap niya. Righteousness ng Diyos ang kailangan natin, hindi yung sarili nating righteousness. Kung sarili lang natin, maruming basahan lang yun (Isa 64:6).

What is the Gospel? The Righteousness of God through Faith in Jesus Christ (Rom. 3:21-4:25)

Ano yung “gospel” na yun? Hindi lang ito pang New Testament, bagamat mas malinaw na nahayag sa NT. Pero mula pa sa OT ay ipinangako na ito ng Diyos, “through his prophets in the holy Scriptures” (1:2). “...the Law and the Prophets bear witness to it” (3:21). At ang gospel na ito ay tungkol kay Cristo (v. 3)—Diyos na nagkatawang-tao, namuhay na matuwid, namatay sa krus at muling nabuhay (vv. 3-4). Biyaya ito ng Diyos. Regalo. Paano natin tinanggap? Sa kamatayan ni Jesus sa krus ganito ang nangyari: “propitiation by his blood” (3:25). Pinawi ang galit ng Diyos sa kasalanan. Hindi pwedeng basta-basta lang isantabi ng Diyos ang kasalanan natin. His justice needs to be satisfied. Kaya namatay si Jesus sa krus para sa mga makasalanan. Para tayo ay maging “justified”—ibig sabihin declared righteous kahit hindi naman righteous. Yun ang justification. Pero automatic ba na lahat ng makasalanan ay “righteous” na sa harap ng Diyos? No.
So paano na? Through faith and faith alone. Balikan natin yung 1:17, bakit power of God ang gospel, “For in it the righteousness of God is revealed from faith for faith, as it is written, “The righteous shall live by faith.” Kaya nga sa simula at dulo ng letter ni Paul inulit niya na ang misyon niya ay “to bring about the obedience of faith” (1:5; 16:26). Faith ang tamang response sa gospel. Justification is “through faith” (3:22, 26), not by works of the law (3:28). Isa lang ang paraan para maging matuwid sa harap ng Diyos. Pareho lang sa OT at NT. Pareho lang sa Jews at Gentiles. “Through faith” (3:29-30). Sa chapter 4 ginamit ni Paul na evidence A and B si Abraham at si David. Naligtas si Abraham at si David dahil nagtiwala sila sa Diyos at sa kanyang salita. Tayo rin, ituturing tayong matuwid ng Diyos “kung sumasampalataya tayo sa kanya na muling bumuhay sa ating Panginoong Jesus. Pinatay si Jesus dahil sa ating mga kasalanan, at muling binuhay para tayoʼy maituring na matuwid” (4:24-25).
Sumasampalataya ka ba kay Jesus at sa ginawa niya, at hindi sa sarili mong gawa? Pakinggan n’yo itong sinabi ni Greg Gilbert sa chapter 8 ng forthcoming book na Sino Si Jesus?:
Kaya nga ang kailangan natin, higit sa ano pa man sa mundo, ay maideklara na “not guilty” at maituring na matuwid sa harapan ng Diyos. Kailangan nating marinig ang hatol ng Diyos na pabor sa atin at hindi laban sa atin. At dito pumapasok ang pananampalataya kay Jesus. Ito ang mabuting balita, ang ebanghelyo, ni Jesu-Cristo: ang buong dahilan ng pagparito ni Jesus ay upang tumayo sa kalagayan nating mga makasalanan, gawin ang mga dapat na ginawa natin mula pa noong una, at akuin ang sumpang kamatayan na ipinataw sa atin. Dahil dito, ang pagtitiwala kay Jesus ay napakahalagang gawin. Kapag tayo ay sumampalataya kay Jesus, nagtiwala sa kanya, at umasa sa kanya, sinabi ng Bibliya na tayo ay nakipag-isa na sa kanya bilang ating Hari, Kinatawan, at Kahalili. Sa isang iglap, ang record ng ating kasamaan, pagsuway, at pagrerebelde laban sa Diyos ay inilipat na kay Jesus, at siya ay namatay dahil doon, para sa atin at bilang ating kahalili. Kasabay nito, ibinilang sa atin ang perfect obedience ni Jesus at ang pamumuhay niya ayon sa kalooban ng Diyos. Dahil sa kanyang pamumuhay na may ganap na katuwiran, ipinahayag ng Diyos na tayo ay matuwid.

What is Our Hope in the Gospel? The Assurance of Eternal Life/Future Glory (Rom. 5:1-8:39)

Ano na ngayon kung justified na tayo o itinuring na matuwid ng Diyos? Maayos na ang relasyon natin sa Diyos (5:1). Ano ang pag-asa na meron tayo sa gospel? The “hope of the glory of God” (5:2). Ibig sabihin, kahit mahirap ang buhay, at pahirap nang pahirap, we endure because of this hope. Hindi na tayo hahatulan ng Diyos (8:1), di na natin katatakutan ang maparusahan ng Diyos (5:9). Wala na tayo sa ilalim ng poot ng Diyos. Pag-ibig niya ang bumabalot sa atin (5:8; 8:36-39). Ito yung gospel power: from unrighteousness to a righteous standing with God dahil kay Jesus. From death dahil sa kasalanan to life, eternal life dahil kay Jesus (5:12-21). At naranasan natin ang kapangyarihan na ‘yan through the life-giving power of the Holy Spirit dwelling inside us (8:11). Yes, maraming sufferings, but one day, we will “be glorified with him” (8:17). Ito yung glory na walang kapantay. Kasama rito yung “redemption of our bodies” (8:23). Pinili tayong iligtas ng Diyos, itinuring na matuwid, and one day we will be “glorified” (8:30). Sure ‘yan. Dahil sa ginawa ni Cristo para sa atin. ‘Yan ang privileges na meron tayo in the gospel.
Ah, sasabihin ng iba, pwede naman palang magpatuloy na tayo ngayon sa kasalanan, mayaman naman ang awa ng Diyos (6:1). Pwede na palang magkasala dahil wala naman tayo sa ilalim ng kautusan, we are under grace (6:15). Sabi ni Pablo sa dalawang statements na ‘yan, No way! (6:2); No way! (6:15). Bakit daw? Ang sagot, union with Christ na naka-indicate sa baptism natin (6:3-10). Namatay ka na kasama ni Cristo. Nabuhay ka na kasama ni Cristo. So?
Kaya dapat din ninyong ituring ang inyong sarili bilang patay na sa kasalanan ngunit buháy para sa Diyos, sapagkat kayo'y nakipag-isa na kay Cristo Jesus. Huwag na ninyong paghariin ang kasalanan sa inyong mga katawang may kamatayan upang hindi na ninyo sundin ang masasamang hilig nito. Huwag na ninyong ipailalim sa kapangyarihan ng kasalanan ang alinmang bahagi ng inyong katawan bilang kasangkapan sa paggawa ng kasamaan. Sa halip, pasakop kayo sa Diyos bilang mga taong namatay na at muling binuhay, at ihandog ninyo sa kanya ang inyong katawan bilang kasangkapan sa kabutihan. Sapagkat hindi na dapat maghari sa inyo ang kasalanan, dahil kayo'y wala na sa ilalim ng kautusan kundi nasa ilalim ng kagandahang-loob ng Diyos. (6:11-14 MBB)
Ang biyaya ng Diyos ay hindi excuse o lisensiya na magpatuloy sa kasalanan. Ito ay motivation and power para mamuhay nang may kabanalan. Itinuring tayo ng Diyos na matuwid hindi para mamuhay nang liko-liko, kundi para magpatuloy sa daan ng katuwiran. Pinalaya na tayo mula sa pagkaalipin sa kasalanan, hindi ibig sabihin na may kalayaan na tayo na gumawa ng kasalanan! We are “slaves of righteousness” and “slaves of God” (6:19, 22). Kung justified ka, dadaan ka rin sa sanctification. Yung gospel na power of God for salvation ay hindi lang for justification, para rin ito sa sanctification and glorification—the whole of our salvation. Hindi lang sa simula. Kaya kung sinasabi mong ligtas ka, pero nagpapatuloy ka naman sa kasalanan, you are probably not saved in the first place.
Pero siyempre may struggles pa rin. Kahit nga si Paul. Sabi ng iba ito raw chapter 7 ay nagdedescribe kay Paul noong hindi pa siya believer. Pero yung language tulad ng “I delight in the law of God” (7:22) hindi yan language ng unbeliever. Kaya nung sinabi niya yung struggles niya na kung ano ang gusto niyang gawin hindi niya ginagawa, at ano ang ayaw niyang gawin yun ang ginagawa niya, yun ay struggle ng isang believer (7:17-20). May indwelling sin pa sa atin. May pakikipaglaban. Nakikipaglaban tayo nang patayan, dahil buhay natin ang nakasalalay dito. “For if you live according to the flesh you will die, but if by the Spirit you put to death the deeds of the body, you will live” (8:13). Kapag nakikipaglaban ka, senyales ‘yan na may buhay ka. So, take heart, believer. The gospel is powerful hindi lang sa simula ng kaligtasan natin, kundi hanggang sa dulo. Nothing “will be able to separate us from the love of God in Christ Jesus our Lord” (8:39).

What about those who Rejected the Gospel? A Defense of the Righteousness of God (Rom. 9:1-11:36)

Now, kung powerful ang gospel, bakit maraming tao ang nirereject ito? Bakit pati yung mga Jews na unang dapat na priority sa redemptive history (“to the Jew first” yung salvation na yun, 1:17) sila pa yung large scale ang rejection kay Christ? Bakit yung kapamilya mo? Bakit yung anak mo ganun rin? Nararamdaman mo rin siguro yung kay Paul para sa mga unbelievers na kababayan niya—“great sorrow and unceasing anguish in my heart” (9:2). Nasa kanila yung covenant, yung law, yung worship, yung mga promises, pati si Cristo galing sa kanila (9:4-5), pero bakit ganun? Dahil ba pumalya ang salita ng Diyos (9:6)? Ipapaliwanag ni Paul sa chapters 9-11 na hindi ganun. Kasi kung ang mga naunang problema ay tungkol sa unrighteousness natin, dito naman ay yung paratang sa Diyos na baka “unrighteous” siya kung marami sa mga Israelita ang hindi maliligtas.
Heto ang paliwanag ni Pablo. Hindi naman kasi basehan ng kaligtasan ang pagiging kabilang sa lahi ng Israel. “Subalit hindi sa ang salita ng Diyos ay nabigo. Sapagkat hindi lahat ng buhat sa Israel ay kabilang sa Israel” (9:6 AB), yung totoong Israel, yung spiritual Israel, yung pinili at itinakda ng Diyos na maligtas. Nagbigay siya ng mga halimbawa sa kasaysayan ng Israel na nagpapatunay dito. Na yung ginagawa ng Diyos ay yung “ipinakilala ng Diyos na ang kanyang pagpili ay ayon sa sarili niyang layunin at hindi batay sa gawa ng tao” (9:11 MBB). Hindi mo pwedeng sabihan ang Diyos na hindi siya makatarungan kapag hindi maliligtas ang maraming tao. Wala siyang obligasyon na iligtas ang lahat. Malaya siya na piliin kung sino ang kaaawaan niya (9:15, 18). At kung naligtas tayo, yun ay dahil sa biyaya ng Diyos, not because we are more deserving than other people. “Ginawa niya iyon upang ipakilala ang kanyang walang kapantay na kadakilaan sa mga taong kanyang kinahabagan, na noong una pa’y inihanda na niya para sa kaluwalhatian. Tayo ang mga taong iyon na tinawag niya hindi lamang mula sa mga Judio subalit mula rin sa mga Hentil” (9:23-24 MBB).
Meron din namang mga “remnant” sa Israel na maliligtas (9:27). At yung mga hindi naligtas ay hindi naligtas kasi sinikap nila na abutin ang kaligtasang iyon, yung righteousness na required ng Diyos sa atin, sa pamamagitan ng sarili nilang gawa. “They did not pursue it by faith” (9:32). Pwede ka namang maligtas sa pagsunod sa kautusan, yun ay kung susundin mo lahat ng ito! Kaya mo? Kung maliligtas sila sa pamamagitan ng pagsunod sa kautusan, e para saan pa na ipinadala ng Diyos ang kanyang Anak? By sending his own Son, sinasabi ng Diyos, “Wala nang ibang paraan.” “Sapagkat si Cristo ang kaganapan ng Kautusan, upang ituring na matuwid ng Diyos ang sinumang sumasampalataya sa kanya” (10:4 MBB). “The righteous shall live by faith” (1:17). Judio man o Hentil, it doesn’t matter. “Iisa ang Panginoon ng lahat at siya’y masaganang nagbibigay sa lahat ng tumatawag sa kanya, dahil sinasabi sa kasulatan, “Maliligtas ang lahat ng tumatawag sa pangalan ng Panginoon” (10:12-13 MBB).
Kaya mahalaga ang preaching of the gospel. Kailangang marinig ang gospel over and over again. “So faith comes from hearing, and hearing through the word of Christ” (10:17). Ikaw pinakikinggan mo ba? Ipinapangaral mo ba? Naniniwala ka na the gospel is the power of God, pero naranasan mo na ba ‘yan? Yan ba pinaniniwalaan mong magligligtas sa ‘yo? Sa mga anak mo? Sa asawa mo? Wag mong sayangin ang salita ng Diyos na palagi mong naririnig tulad ng mga Israelita na naging matigas ang puso nila.
At kung naligtas ka at nananampalataya ka ngayon, wag ka ring maging mayabang tulad ng attitude ng ibang Gentiles kung ikukumpara ang sarili nila sa mga Judio na hindi naniniwala kay Cristo: “Ako ligtas, sila hindi!” Sabi ni Paul, “Do not be arrogant…do not become proud, but fear” (11:18, 20). Bantayan mo ang puso mo. Baka may pagmamataas. At baka meron nang marka ng “unbelief” katulad din ng mga Judio.
At tandaan mo na hindi pa rin tapos ang Diyos sa Israel. “Mystery” ito sabi ni Paul (11:25). Merong “partial hardening” sa Israel, pero may katapusan ito. Kelan? “Until the fullness of the Gentiles has come in.” At kapag nangyari na ‘to, sa panahong itinakda ng Diyos, “all Israel will be saved” (11:25). Grabe. Large scale conversion ng mga Jews. Kung lahat talaga ay lahat, hindi naman imposible sa Diyos na siyang sovereign in our salvation. He can raise the dead, open the eyes of the blind, and save anyone na gusto niya. Kung ikaw nga iniligtas niya, kaya niya ring gawin ‘yan sa iba, sa marami. Kahit gaano pa katigas ang puso nila.
Mahirap maarok ang plano ng Diyos. Bakit ako iniligtas? Bakit sila hindi? Kaya ganito na lang ang sinabi ni Pablo sa dulo, “O ang kalaliman ng mga kayamanan ng karunungan at ng kaalaman ng Diyos! Hindi masuri ang mga hatol niya, at hindi masiyasat ang kanyang mga daan!...Sapagkat mula sa kanya, at sa pamamagitan niya, at para sa kanya ang lahat ng mga bagay. Sumakanya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen” (11:33, 36 AB). Habang lumalalim ang pagkakaunawa at paniniwala mo sa mabuting balita ni Cristo, mas umiinit at mas tumitindi ang pagsamba mo sa Diyos. And it affects the way you live your life…all of life.

How Do We Live in Light of the Gospel? Living in Righteousness (Rom. 12:1-15:33)

Yung chapter 12, simula ng bagong major section sa letter na ‘to. Ang simula, “Kaya nga, mga kapatid, alang-alang sa masaganang habag ng Diyos sa atin...” (MBB), nakakonekta sa mga naunang sinabi niya. Anchored sa gospel. Ang motivation natin, ang power na kailangan natin sa Christian life ay nanggagaling sa gospel. In light of the gospel, ano raw ang dapat nating gawin? “...ako’y nakikiusap sa inyo na ialay ninyo ang inyong sarili bilang isang handog na buháy, banal at kalugud-lugod sa Diyos. Ito ang karapat-dapat na pagsamba (o paglilingkod) ninyo sa Diyos.” Buong buhay natin, buong pagkatao natin, para sa Diyos, para sa paggawa ng kalooban ng Diyos (12:2).
Yun naman ay dahil sa biyaya ng Diyos sa atin. Ang ginagawa natin ay “ayon sa kagandahang-loob ng Diyos” (12:6). We “love one another”; we “live in harmony with one another” (12:16). We “welcome one another as Christ has welcomed us” (15:7). Gospel motivation pa rin. Itinuturing natin ang bawat isa hindi ayon sa kung ano ang deserving nila, kundi ayon sa ginawa sa atin ni Cristo kahit na tayo ay hindi deserving. Kaya mahalagang isyu sa chapter 14 yung relasyon ng mga “weak” sa mga “strong”—iba-iba kasi ang pananaw o opinyon sa ilang mga bagay-bagay tulad halimbawa ng pagkain. The gospel is more important kesa sa mga bagay na pinagkakaiba-iba natin.
At siyempre, wag nating isipin na yung gospel ay meron lang epekto sa relasyon natin sa loob ng Diyos. The gospel is for all of life. Ibig sabihin, pati sa labas ng church. Pati sa pag-submit natin sa government at pagiging good citizens of our country, at kung paano natin mamahalin ang mga unbelievers (chapter 13). Kaya nga hinihiling din ni Pablo ang suporta at partnership nila sa misyon ni Pablo to preach the gospel kung saan hindi pa nakikilala si Cristo (15:19-20). Dahil ang gospel ay hindi lang para sa atin, hindi lang para sa church, but for all the nations (1:5; 16:26).

What is God’s Ultimate Goal in the Gospel? His Glory! (Rom. 16:1-27)

So yung gospel na ‘to ay “power of God” hindi lang for all of life, kundi for all the nations. Ito naman talaga ang plano ng Diyos. Pakinggan n’yo kung doxology sa dulo ng sulat ni Pablo:
At ngayon, sa Diyos na may kapangyarihang magpatibay sa inyo ayon sa aking ebanghelyo at sa pangangaral ni Jesu-Cristo [kailangan talaga natin ang gospel sa buhay natin, kaya paulit-ulit ang preaching ng gospel sa inyo!], ayon sa pahayag ng hiwaga na inilihim sa napakahabang panahon, subalit nahayag na ngayon, at sa pamamagitan ng mga kasulatan ng mga propeta, ay ipinakilala sa lahat ng mga bansa [hindi lang para sa buong buhay natin, kundi para sa buong mundo] tungo sa pagsunod sa pananampalataya, ayon sa utos ng Diyos na walang hanggan—sa iisang Diyos na marunong, sa pamamagitan ni Jesu-Cristo, sumakanya ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen. (16:25-27 AB)
Para saan ang lahat? Para saan ang gospel? Para saan ang kaligtasan natin? Para saan ang misyon natin sa lahat ng mga bansa? Para sa kaluwalhatian ng Diyos for all eternity. The glory of God is the goal of the gospel. Ang misyon ni Pablo sa lahat ng mga bansa ay “for the sake of his name” (1:5), the glory of Christ. Ang pananampalataya ni Abraham ay for “the glory of God” (4:20). Kinaawaan tayo ng Diyos “upang maipakilala niya ang kayamanan ng kanyang kaluwalhatian” (9:23 AB). Bakit tayo dapat mamuhay nang may pagkakasundo o harmony sa church? Upang magkaisa tayong magpuri sa Diyos (15:6). Bakit dapat nating tanggapin ang bawat isa? “For the glory of God” (15:7). Bakit ipinadala ng Diyos si Cristo? “In order that the Gentiles might glorify God for his mercy” (15:9). “Sapagkat mula sa kanya, at sa pamamagitan niya, at para sa kanya ang lahat ng mga bagay. Sumakanya nawa ang kaluwalhatian magpakailanman. Amen” (11:36 AB).
Kaluwalhatian o karangalan ng Diyos ang puno’t dulo ng mabuting balita ni Cristo. Karangalan ng Diyos ang puno’t dulo ng buhay natin. Karangalan ng Diyos ang puno’t dulo ng church natin at ng misyon natin sa buong mundo. The gospel is for you, but it is not about you. Ito ay “ebanghelyo ng Diyos” (1:1). Ito ang mensahe ni Pablo para sa mga taga-Roma, na siyang mensahe rin ng Diyos sa bawat isa sa atin. Ito ang Salita ng Diyos.